Frequently Asked Questions

MODEM AND SIM CONCERNS

1
Turn on your PLDT Home Wifi Modem. Hintaying umilaw ang power indicator na makikita sa harap ng modem.
2
Kung hindi ito umilaw, check the AC power adapter at ang pagkaka-plug nito sa modem at power supply.
3
Kung nakailaw ang indicator pero hindi pa rin gumagana ang modem, tumawag sa 171. Ihanda ang inyong PLDT Home Prepaid Wifi number, official receipt/acknowledgement receipt, at warranty card.

SERVICE CONCERNS

1
Gamit ang signal indicators na makikita sa harap ng modem, check the quality of the signal na nasasagap ng inyong modem.
2
Para makakuha ng malakas na signal, ilagay ang modem malapit sa bintana. If the modem is able to get the better signal magiging green o blue ang kulay ng signal indicator.
3
Kung nakakaranas pa rin ng mabagal na connection o pagkawala ng signal, tumawag sa 171. Ihanda lang ang inyong PLDT Home Prepaid Wifi number, official receipt/acknowledgement receipt, at warranty card.

LOAD CONCERNS

Check your free 10 GB at load balance sa myPLDT Smart app o sa inyong dashboard.

A Kumonek sa PLDT Home Wifi sa bahay. Siguraduhing naka-off ang inyong mobile data.
B Maaaring gamitin ang inyong free 10GB sa loob ng pitong araw to download myPLDT Smart app sa App Store o Google Play
C Open the app and register.
D Automatic na lalabas ang inyong PLDT Home Wifi Prepaid number.
E Ilagay ang inyong details at password.
F Tap “Agree” sa Terms and Conditions.
G View and manage your account.